Magkano Kaya Magpa-Aral sa Kolehiyo Ngayon?

Kung hindi problema ang pera, saang college mo po ipapasok ang inyong anak?

 

aug 6 harvard

 

Eh di wow! 🙂 Why not, di ba?    “Only the best for my child!”

 

Pa’no naman po kung local universities?

 

aug 6 UP

 

Anong color ang favorite mo? 🙂

 

“Anak, pagbutihan mo sa pag-aaral ha… Para scholar ka..”  

 

Kahit sinong Magulang, gustong ibigay ang best opportunity sa anak niya pagdating sa pag-aaral.

Ika nga,

“…ito lang naman ang maipapamana ko sa iyo.. Ang makapagtapos ka ng kolehiyo.”

Napaka-noble! Kaya saludo ako sa mga Magulang!

aug 6 salute

 

 

Gusto niyo po ba malaman magkano ang college tuition fees ngayong 2015?

aug 6 college tuition 2015
click to enlarge

Click niyo po yung image para lumaki

* Ang mga Rates po na iyan ay based sa 12.25% increase of Annual Tuition Fees na ipinublish ng CHED noong 2008 sa Philippine Daily Inquirer.

Tingnan niyo lang po yung column na ‘2015’ para makita ang current tuition fees ng mga universities.

Annual po ang tuition fees na iyan.

jun 22 - whew

 

Huwag niyo po muna i-close ang browser 🙂

Maigi po siguro na binabasa niyo na ito ngayon pa lang kasi baka magka-idea po kayo papaano niyo ito paghahandaan.

 

Eksena: Paano kung next year ay mag 1st year college na ang anak ko?

Paano nga ba kung next year ay mag 1st year college na ang anak niyo, may makukuhanan po ba kayong pang matrikula?

Oo, meron!    Choose your answer

A. Prepared ako, pinag-ipunan ko kaya yan

B. Sa magaling niyang Ama! 

C. Manghihiram muna ako sa mga Ninong at Ninang ni Junior..

D. Sa Bumbay!

Sana ang sagot natin ay A., ano po? 🙂

 

Ang susi sa pag-build ng funds para sa future ay nakasalalay sa tatlong factors:

TIME, MONEY and INTEREST

Pagdating sa TIME, kailangan nating magsimula as early as we can.

Pagdating sa PERA, kailangan nating mag-ipon as much as we can, as regularly as possible.

At pagdating naman sa INTERES, kailangan nating maghanap ng interest rates na better-than-inflation.

Kailangan po natin i-maximize ang tatlong ito: TIME, MONEY at INTEREST, para ma-build ang college education fund ng inyong anak.

 

Anu-ano ang pwede kong gawin?

Ito po ang mga naiisip kong pwedeng gawin

#1. Piliin aling college niyo siya gusto pag-aralin.

Dito kasi tayo magkaka-idea kung magkano ang matrikulang paghahandaan natin.

Pwede niyo po tanungin ang inyong anak kung saan niya gusto mag-college. Lalo na kung may pinapangarap na siyang university na gustong pasukan.

Kung wala po siyang idea (kasi baby pa siya), tingnan ang mga universities na gusto niyo sanang pasukan ng inyong anak.

aug 6 college tuition 2015

 

#2. Determine how long you will prepare 

For our example, gusto niyo na pumasok siya sa La Salle. Tuition fee nila ngayon ay nasa P 248,006

Kung magco-college na po ang inyong anak next year, then prepare P 278,386.73

Saan ko po nakuha yan?

Kung mag tuition fee increase ang La Salles ng 12.25% magiging P 278,386.73 na po iyan

P 248,006 x 1.1225 = P 278,386.73

Sabi kasi ng CHED, pwede mag-increase ng tuition fee ang mga universities every year by a maximum of 12.25%

Para sure po talaga, mag-start na po kayong mag canvass sa De La Salle kung mga magkano na po ang tuition fee nila next year 🙂

Time to prepare: 1 year

#3. Create a strategy to make your money grow

So kunyari, P 278,386.73 ang kailangan niyong ihanda

How can you prepare for it?

If you have exactly 12 months (or 1 year) to prepare from now, then you need to set aside P 23,198.90 a month.

Kumbaga, yung amount ay idi-divide niyo lang po sa kung ilang buwan niyo sya bubunuin until next school year.

(This system of saving might help you too: you can place the money in an LTSS Jar)

What?! P 23,198.90 a month?

Yes. Kasi next year na po eh.

aug 6 brilliant

Ito ang problema: #1. we do not have enough time para palakihin ang ating pera and #2. we cannot afford to expose it to the risk of losing capital since we only have a short period of time to recuperate for losses.

Habang papalapit ang enrollment, lumalaki ang amount na kailangan mong ihanda.

Kung maikli na lang po ang panahon, ito po ang huwag na huwag niyo pong gagawin: ang i-invest pa ang pera ninyo 

Kasi po sa totoo lang, high returns = high risks

Wala pong investment na high ang return pero low ang risk.

Ang pera na ini-invest ay laging may chance ng pagkalugi. Kaya kailangan mo ng mahabang panahon para makabawi sa mga losses kasi hindi naman 100% na kumikita lagi ang ating pera na naka-invest.

Ang kita po sa investments ay hindi guaranteed.

Gaya po ng example natin kung may 1 year ka pa, idi-divide mo na lang talaga by 12 months ang dapat mong i-save per month. Kaya po malaki.

Pano pa kaya kung 6 months to prepare na lang? Pano kung 3 months? Pano kung 1 month na lang?

Baka mapilitan po kayo na hindi na muna sa La Salle paaralin ang inyong anak…

Now, hindi lang naman po siya papasok sa 1st year.

May 2nd year… 3rd year… 4th year… 5th.. 6th.. ‘wag naman sana 🙂

Kaya parang hindi lang ata dapat 1 year ang preparation natin, ano po?

 

Eksena: What if baby pa siya ngayon? How do we build the college education fund?

Mas maganda po ang eksena na ito

Nabasa ko somewhere,

“Nung nasa tiyan pa lang si baby, balak niyo ba siyang pag-aralin? Bakit parang emergency sa inyo ang pag-aaral niya at kailangan pang utangin?”

Jun 25 - grin

Let’s do the steps again

#1. Piliin aling college niyo siya gusto pag-aralin. Kunyari, i-peg natin ang annual tuition fee sa P 100,000 kasi sa La Salle halos P 250, 000 na eh.

#2. Determine how long you will prepare. 

aug 6 K12

Kung 1 yr old po si baby, then you have 17 years to prepare

#3. Create a strategy to make your money grow

If P 100,000 ang tuition fee ngayon, then ito na po ang magiging tuition fee after 17 years (based on a 12.25% increase on tuition fees per year)

You need a total of P 3,420,781.10

Yes, that is almost 3.5 Million Pesos for a 4-yr college course

jun 25 - excited

 

You can start setting aside at least P 5,000 beginning now and every month for the next 17 years para ma-achieve ang 3.5 Million

If you add more, ma-co-cover na rin pati miscellaneous fees: allowance, fare, additional school expenses, etc.

Yun ay kung yung P 5,000 ay in-invest mo sa isang investment vehicle na nagbibigay ng at least 10% a year, compounding annually.

Now kung ang rate of return naman ay 15% a year, then ang itatabi niyo na lang ay P 2,666.67 per month.

Kung 20% a year naman, then ang itatabi niyo na lang ay P 1,416.67 per month.

“Wow! Anlaki ng ibinaba! P 1,416.67 per month mukhang kayang-kaya ko na yan.”

BUT you need to deserve the higher rate of return.

What do I mean?

Ibig pong sabihin ay you should be willing to keep your money invested for a long period of time.

In our example, that’s 17 years.

Hindi po kayo magwi-withdraw

Why?

Una, kasi po ang rate of return ng investments ay hindi naman guaranteed every year. Hindi guaranteed na every year ay 10% ang kinikita niyan. Pwedeng more than 10%, pwedeng less than 10%.

Parang Sari-Sari Store. Araw-araw po bang kikita tayo ng P 1,000? May mga araw na maganda, merong ding maalat 🙂

Pangalawa, kasi sa ika 18th year niyo pa naman kailangan yung pera dahil doon pa lang mag 1st year college ang inyong anak, di ba? 🙂

Kaya hindi ka magwi-withdraw.

 

jun 23 - time

 

Compounding Interest

Compounding interest simply means na yun pong interes ng pera ninyo ay idinagdag sa kapital, tapos ang inyong kapital na lumaki ay magkaka-interes pa ulit. Repeat the process.

Nai-imagine niyo po ba? Palaki lang ng palaki ang pera ninyo kapag nagco-compound

That is why you need time to make your money grow.

Para po hindi niyo talaga magamit sa ibang bagay ang pera para sa college tuition ni baby, I suggest you do this savings habit talaga.

In Summary,

marami po tayong realizations by now, like

1) Getting quality education is not cheap (look at the tuition fees of top universities now)

2) I need to prepare for my child’s college education as early as now.

 

“Anak, pagbutihan mo sa pag-aaral ha… Para scholar ka sa UP..”  

jul 7 - ok

Disclaimer: All the images you see here are not mine. I got them from Google Images and some from Sun Life Financial.

 

 

P.S.1. Would you like to know magkano ang dapat niyo itabi for your child’s college education kung say ang tuition fee ngayon ay nasa P250,000 per year? Click here.

P.S.2. Got questions about how to manage your finances? Email me at petikspinayinvestor@gmail.com

P.S.3. Meron po ba kayong gustong itanong pa o i-clarify sa article na ito? Simply fill out and submit this form:

P.S.4. Visit the Blog Roll to read more articles on personal finance.

LIKE us on Facebook. Click on the picture below.

Check to be notified

2 thoughts on “Magkano Kaya Magpa-Aral sa Kolehiyo Ngayon?

Did you find this article or tutorial helpful? Let us know below :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s