Your Greatest Asset Is…

aug 5 once uponin a land far, far away

There was born a beautiful girl. A princess.

She is loved by her parents.

This girl grew up to be a beautiful lady, admired by everyone and across the kingdom, far and wide…

One day while picking wild flowers in the woods, she met a handsome young lad who turned out to be a prince!

aug 5 happily

 

Ito naman kapag Boy Version

aug 5 one day may mag-asawa na nagdarasal para magka-anak,

“Please Lord, dinggin niyo po ang aming panalangin. Bigyan niyo po kami ng anak. Nawa’y maging malusog po siya at malayo sa sakit…”

Tumugon ang Diyos at matapos ang isang taon, pinagkalooban sila ng isang malusog na batang sanggol na lalaki.

Maliksi ang batang ito. Nagdulot siya ng ligaya sa kanyang mga magulang.

Mahilig siya sa Lego at marami siyang binubuong structures.

Lumaki siya, naging masinop sa pag-aaral at nakapagtapos.

Ngayon, isa na siyang successful na Engineer.

aug 5 the end

 

Magkaiba man ang version ng dalawang short stories, iisa lang ang punto

Na sana, ganyan kasimple at kaganda ang buhay.

From start to finish.

Masarap i-kwento ito sa mga bata. Kasi lahat naman tayo naging bata, at ang pagtanaw natin sa mundo noon nuong wala pa tayong kamuwang-muwang eh ang ganda-ganda at ang saya-saya.

Na-cherish mo ba ang pagkabata mo? Sana naman. Kasi minsan lang tayo magiging bata.

aug 5 story telling

Naisip mo ba nung bata ka na sana matanda ka na kaagad?

Parang ang tagal tagal ng panahon para tumanda.

At lumipas ang panahon…

Nakapag-aral. Elementary – High School – College

Andami nating natutunan at isa dun ay ang realization na hindi pala ganun ka-smooth ang buhay.

May mga pinaghihirapan para ma-achieve. Pag-aaral na nga lang eh, dami na tayong mga naaalalang challenges na napagtagumpayan naman natin.

Pero hindi nagtatapos ang lahat sa pag-aaral.

Katunayan, preparation pa lang yun

Kasi mas importante na ngayon ay ang paghahanap-buhay.

Ito na yung panahon na gusto mong may gawin naman para sa sarili.

Gustong patunayan, gustong abutin na position, gustong mabili, at kung anu-ano pang mga gusto

Paano naman ang lovelife?

May mga pinalad na makatagpo ang kanilang forever.

Di ko naman sinabi na malas ang mga hindi pa nakakatagpo. Baka busy lang 🙂

aug 5 may forever

Basta may life, hope lang ng hope. May forever pa rin…

So yun, sa mga pinalad na makatagpo ang kanilang forever, ngayon hindi lang ang sarili nila ang kanilang priority.

Hindi lang pansariling pangarap nila ang kanilang nais abutin.

Nandun na yung pangarap para sa pamilya, pangarap sa inyong mag-asawa, pangarap sa inyong mga magiging mga anak.

Kaya lalo ka ngayong nagsisikap.

hard-working cat
hard-working cat

Kaya tayo nangangarap na kumita ng malaki. Hindi naman masama. Kasi bukod sa pangarap mo, gusto mo rin matupad ang pangarap ng pamilya mo.

aug 5 Rich-Dad-Poor-Dad-Book

 

Sabi ni Robert Kiyosaki,

“Often, the more money you make the more money you spend; that’s why more money doesn’t make you rich – assets make you rich.”

Assets make you rich daw

Let that sink.

A form of riches is money. Lots of it.

If assets make us rich, then assets put money into our pockets.

What assets do we have that put money into our pockets?

Shempre sa una kapag nagsisimula pa lang, magbi-build muna tayo ng magandang record or reputation sa work.

By work, it may mean you work for a company, or you work on a business.

We strive to do well. We want to be excellent.

We increase our skills, our learning, we build our confidence, we increase our competence.

In return, we get compensated. We receive a salary.

Sa makatuwid–our skills, our learning, our confidence, our competence–if they bring money to our pockets then they are called assets.

Eh sino ba ang nagtataglay ng mga iyan? Eh di tayo rin.

We ourselves are our assets!

aug 5 Success

 

Sa mga mala-fairy-tale stories kanina, how we wish na ganun na lang sana kasimple at kaganda ang buhay

Na lahat ng pangarap natutupad at lahat ay happy forever after

Eto ka naghahanap-buhay at nagsusumikap, sana tuluy-tuloy na lang talaga sa pag-asenso.

 

Kaso minsan hindi smooth ang life

Alam natin ito.

Ang buhay ay may ups and downs.

aug 5 life ferris wheel

Yung mga downs ng life, pwede rin natin tawaging RISKS.

Anu-ano ang mga risks na yan?

Risk of getting sick

Risk of losing a job

Risk of meeting an accident

Risk of premature death

Biglang bigat ano?

Pero alam natin na itong mga risks na ito, ayaw man nating mangyari sa atin eh lagi pa rin tayong exposed sa mga iyan araw-araw.

Kaya rin tayo nag-iingat. Kaya lagi tayong nagpe-pray.

Sa finances, may impact ba ang mga risks na ito?

Risk of getting sick – magkano ba magpagamot sa ospital kung na-confine ka? Depende pa sa kung ano ang dumapong sakit sa iyo.

Risk of losing a job – kahit single ka pa, mahirap to ha. Pano pa kung may pamilya ka?

Risk of meeting an accident – parang kagaya lang yan ng nauna, maco-confine ka rin kasi eh.

Risk of premature death – eto talaga ultimate na ito. Kung ikaw ang tumatayong breadwinner ng iyong family, alam mong napakalaking dagok ito sa buhay ng iyong pamilya…

Minsan talaga mapapatanong ka eh, “Bakit sa amin pa nangyari ito, mabuti naman akong tao…”

aug 5 runner quote  (Read also By Chance.)

 

Kaya sa personal finance, merong tinatawag na Risk Management, which means managing risks (ang galing eh no? hehe)

Since alam na natin na exposed tayo sa mga risks, meron tayong mga dapat gawin para ma-handle ang mga risks na iyan.

Yan ang layunin ng “chapter” na ito on risk management–na ma-educate tayo paano maging prepared kung sakaling mangyari ang mga risks

Bakit nga ulit kelangan ito? Dahil

YOU are your greatest asset

to yourself

to your family

to your loved ones

to be able to achieve your dreams and theirs.

Kaya dapat lang, ingatan at pangalagaan ka from risks in life.

Para kahit papaano, mas matagal pa natin mae-enjoy ang forever 🙂

aug 5 may foreverafter

Disclaimer: All the images you see here are not mine. I got them from Google Images.
 

Can I invite you to take this very short financial survey?

 

LIKE us on Facebook and put a check on “Get Notifications”.  Click on the picture below.

Check to be notified