Dear Petiks: Ang mahal ng Market ngayon. Kelan ako bibili?

Dear Petiks Pinay,

Ang mahal ng Market ngayon.

Kelan ako bibili?

Undecided,

Chelsea*

~~~

Dear Chelsea,

Madalas kong naririnig yan na tinatanong sa akin.

Promise.

Lalo na kung nakikita nila sa Facebook feeds nila yung mga posts about paper gains ng mga Friends nila na nagsipag-invest noon na mababa pa ang market.

Nagpo-post rin kasi ako (guilty, hehe)

Pero gusto kitang tulungan. Gusto kong magbigay sa iyo ng idea.

Pero DISCLAIMER muna 🙂

Ang post na ito ay para sa lahat na ang tanong ay “kelan ba ako bibili?” at yung mahilig mag-abang ng pag down ng market, kahit na sa ganang akin ay napaka sobrang hirap abangan. (Napaka na, sobra pa)

Please check the numbers and verify the computation below.

Do your due diligence.

After all, you are investing your money.

Layunin ko lang ay makatulong ito sa iyong pagpla-plano.

 

Fact and Figures

PSEi 52WK RANGE: lowest 6084.28 (01/21/2016) – highest 8118.44 (07/22/2016)

Anu yan?

Pinakamababang level ng PSEi between same day last year (08/02/2015) and today (08/02/2016) ay 6084.28 na nangyari noong 01/21/2016

Pinakamataas na level ng PSEi between same day last year (08/02/2015) and today (08/02/2016) ay 8118.44 na nangyari noong 07/22/2016

Lahat ng investments na may Equity exposure ay impacted ng mga presyo na iyan

For example, sa Sun Life Prosperity Funds (Mutual Funds ng Sun Life Asset Management Company, Inc.),

Ito ang mga notable highs and lows

blogpic1

Ang ginawa ko dyan, kinuha ko ang mga presyo ng mga units ng bawat fund na may exposure sa stock market (equities) same date kung kailan naitala ang mga highs and lows ng PSEi

Kung mapapansin mo, ang pinakamataas ng level ng PSEi ay 8127.48

Lately, ang pinakamalapit na level sa kanya ay 8118.44

Ngayon kung feeling mo ay mahal ang market sa presyong yan,

Sa magkanong presyo mo bibilhin para may tutubuin ka?

Eto, gumawa ako ng table para sa iyo

blogpic2

So kung halimbawa gusto mo kumita ng 5% say sa Index Fund, bibili ka sa presyong mas mababa pa sa 0.9762 (or 0.9761 or lower)

Para kung naging 1.0250 ulit ang NAVPU ni Index Fund, may 5% paper gain ka na

And so on…

Now, pano naman kung bumili ka ngayong August 2

Kelan ako kikita?

blogpic3

Naalala mo ang all-time high PSEi level natin? Di ba 8127.48 yun?

Kunyari sa Index Fund bumili ka sa halagang 1.0261

Kapag nag all-time high ulit ang PSEi at nag 1.0375 ang NAVPU ng Index Fund, ibig sabihin kumita ka na ng 1.11% on paper

Kung 5% gain ang gusto mo, yan ang mga NAVPU na kelangan ma-reach per fund

sunrise WhatDoIDo

Eh Petiks, may day job ako.

Hindi ko naman ma-mo-monitor lahat ng NAVPU eh

Binabasa ko pa lang ito, dumudugo na ilong ko eh…

 

Noong unang panahon… mga May 15, 2013

Ang PSEi natin ay nasa 7392.20

Mahal na yun noon

Tapos nung nag January 12, 2015

Ang PSEi natin ay naging 7402.72

At tuluy-tuloy na siyang tumaas hanggang highest nung April 2015 sa level na 8127.48

Kung bumili ka nung 7392.20

Nag gain ka na on paper ng mga 9.95% in 2 years

Parang ganito itsura niya oh

blogpic4

Eto pa isa

Kunyari nag-invest ka 5 years, 7 years, or 10 years ago

Ganito na sana ang mga kinita mo

10yr history

So far, kung invested ka sa Sun Life Prosperity Funds ng at least 5 years (walang ayawan)

Hindi ka pa nalugi ever

Worst 5-yr rolling period in Equity Fund

equity worst 5 yrs

Worst 5-yr rolling period in Balanced Fund

balanced worst 5 yrs

Worst 5-yr rolling period in Bond Fund

bond worst 5 yrs

So what are you saying, Petiks?

Buy the PSEi

Buy Pinoy Companies

For 5 years…

7 years…

10 years…

or longer…

Invest in our stock market.

Simulan na natin ito–now na,

Petiks Pinay

*imbentong name lang

Ang Dear Petiks ay isang segment sa blog site na ito na nagfi-feature ng mga true to life questions na patungkol sa personal finance or investing.

Layunin ng Dear Petiks na may kapupulutan kayong aral na makakatulong sa inyong buhay-pinansyal.

To see all Dear Petiks entries, click here.

 

P.S.1. Meron ka bang gusto i-meet na target? Gusto mo bang planuhin natin? Send-an mo ako ng email sa PetiksPinayInvestor@gmail.com. Subject: Dear Petiks

P.S.2. Nag-invest ako directly sa stock market, tuluy-tuloy for 3.5 years. Gusto mo ba malaman kung nakamagkano ako after? Read here.

P.S.3. Alam mo ba na malaki ang mawawala sa iyo kung ipagpabukas mo pa ang pag-iinvest? Read here.

P.S.4. Meron ka bang naiisip na pwedeng i-feature dito sa Dear Petiks? You may send them below.

LIKE us on Facebook and put a check on “Get Notifications”.  Click on the picture below.

Check to be notified