Dear Petiks: I want to have 6M sa 2036. Pano yun?

Dear Petiks Pinay,

Gusto ko sana na by 2036 ay may 6 million pesos na ako.

Magkano ang ihuhulog ko buwan-buwan?

Magkano naman kung annual?

Gusto ko na hindi stressful, yung hulog lang ako ng hulog habang nagwo-work pa ako.

Gusto ko rin sana na walang fees. Posible ba yun?

Ang balak ko ay hindi ko gagalawin ang pera ko kasi sa 2036 ko pa siya kailangan.

Pang retirement ko kasi iyan.

Umaasa,

Annalisa*

~~~

Dear Annalisa,

Kung pure investments ito at tipong gusto mo lang maglagay ng maglagay na parang gaya lang sa bangko, may solusyon d’yan 🙂

Pero una, ito ang mga gusto mo mangyari:

Target amount: 6M
Target year to redeem: 2036
Special request: walang fees or charges, atsaka petiks lang ang paghuhulog

Happy ako na sa umpisa pa lang ay alam na alam mo na ang gusto mo.

Mahalaga kasi yun–

Yung serious ka. Yung committed. Yung gustung gusto mo talaga na matupad ang gusto mo.

Kung hindi mo pa alam, tutulungan naman kitang alamin ano ang gusto mo talaga 🙂

Since alam mo na, ang next step ay ang pag-compute

Himay-himayin natin

Gusto ko sana na by 2036 ay may 6 Million pesos na ako.

Attainable yan.

Kung magsisimula kang kumilos as in now na para ma-achieve yan, you have like 20 or 21 years from now (now being August 2015) to target year.

Mahabang panahon yun to make your money grow. Kaya there is hope.

Magkano ang ihuhulog ko buwan-buwan? Magkano naman kung annual?

Depende sa interest rate.

Kung fixed ang number of years natin, ang nag-iiba ay ang interest rate.

Sa lahat ng scenarios sa ibaba, makakamtan mo ang 6M mong pangarap pagdating ng 2036.

Since iba-iba ang interest rate, iba-iba rin ang dapat mong i-shell out annually or monthly.

Nakasulat rin kung magkano ang projected total earnings.

The earnings + the total money you shelled out through the years = 6 million pesos

Scenario #1. Kung 1% annual compounding interest,

annual hulog: 351,140
monthly: 29,420

Projected total earnings: 732,893

Saan to? Sa Savings Account

Happy ka na kung may 1% interest ang kinita ng pera mo sa bangko. 1% per annum.

Scenario #2. Kung 2% annual compounding interest,

annual: 308,084
monthly: 25,950

Projected total earnings: 1,378,737

Saan to? Sa Time Deposits

Happy ka na kung may 2% interest ang kinita ng pera mo sa time deposit. 2% per term (in this case, term is annual).

Kung gusto mo ng latest interest rates sa banks, you can visit this page.

Scenario #3. Kung 10% annual compounding interest,

annual: 106,597
monthly: 9,350

Projected total earnings: 4,401,049

Saan to?! Stock market.

Sidetrip: Linawin ko lang yung 10% d’yan ha…

Hindi po yan guaranteed, hindi rin yan fixed.

Pwedeng mas mataas sa 10%; pwedeng less.

Iba-iba siya per period (daily, quarterly, yearly, etc).

Ang sinasabi lang ng mga historical returns na the longer you stay in the market, the higher the chance your money will earn dahil sa compounding interest.

Kaso, may ibang tao na may stigma o hindi komportable mag-invest sa stock market directly–yung tipong sila mismo ang pipili at bibili ng mga stocks manually.

Kaya…

Gusto ko na hindi stressful, yung hulog lang ako ng hulog.

Meron ako ipapanood sa iyo.

Salamat sa Pesos and Sense at pinapasimple ang buhay nating mga investors. Kasi naipapaliwanag nila nang simple ang mga seemingly complex personal finance concepts.

So, Mutual Funds.

Makakapag-invest ka sa stock market with less stress kung idadaan mo ito sa Mutual Funds.

Gusto ko sana na walang fees. Posible ba yun?

Kung sa time deposit mo ilalagay ang pera mo, required ng gobyerno na maningil ng taxes on interest income.

Pero kung ang pera mo ay iwi-withdraw mo after 5 full years, exempt ka na sa taxes 🙂

Ganun din sa Mutual Funds

Wala ka ng babayarang fees at tax kung ang charge option na pinili mo ay Back-End load at nag withdraw ka ng investment beyond 5 years

Ganito ang charges table

aug 20 no charge

Disclaimer: These rates apply to Sun Life Prosperity Funds. Rates may vary per Mutual Fund company.

Alam mo, maganda ang setup na ito kasi isang way siya para ma-motivate ka na mag-invest ng long term.

Iniisip mo pa lang na mababawasan ang pera mo, ayaw mo na mag-withdraw di ba?

Kaya magtitiis ka! Hahaha! 🙂

Pero pwede naman na hindi ka magtiis. May way rin kasi para hindi mo talaga magagalaw ang retirement fund mo lalo na pag may emergencies.

Pano? Gawin mo ito.

Atsaka bakit ka magwi-withdraw? 2036 na ba? Magre-retire ka na ba?

Wag ka magwi-withdraw hangga’t hindi 2036.

So kung ang Target Year to Redeem mo ay 2036 at gusto mo na walang fees, then ang last year na mag-i-invest ka ay Dec 2030.

Bakit?

From Dec 2030, we will let the money earn interest for 5 more yrs para when you redeem, ZERO charges ka na.

Dec 2030 – 2031 – 2032 – 2033 – 2034 – Dec 2035

Come January 2036 and anytime ng 2036 ay makaka withdraw ka na at 0% charge

Kung mag start ka now, as in this year (2015), you have 15 years to invest (2030 minus 2015)

Ansaya niyan!

Ang tanong ko naman sa iyo: When do you want to start?

Simulan na natin ito–now na,

Petiks Pinay

*not her real name

Ang Dear Petiks ay isang segment sa blog site na ito na nagfi-feature ng mga true to life questions na patungkol sa personal finance or investing.

Layunin ng Dear Petiks na may kapupulutan kayong aral na makakatulong sa inyong buhay-pinansyal.

To see all Dear Petiks entries, click here.

 

P.S.1. Meron ka bang gusto i-meet na target? Gusto mo bang planuhin natin? Send-an mo ako ng email sa PetiksPinayInvestor@gmail.com. Subject: Dear Petiks

P.S.2. Nag-invest ako directly sa stock market, tuluy-tuloy for 3.5 years. Gusto mo ba malaman kung nakamagkano ako after? Read here.

P.S.3. Alam mo ba na malaki ang mawawala sa iyo kung ipagpabukas mo pa ang pag-iinvest? Read here.

P.S.4. Meron ka bang naiisip na pwedeng i-feature dito sa Dear Petiks? You may send them below.

LIKE us on Facebook and put a check on “Get Notifications”.  Click on the picture below.

Check to be notified