6 thoughts on “Dear Petiks: I want to have 6M sa 2036. Pano yun?

  1. Hi, I have a question… Di ba isa sa mga requirements sa pag enrol sa stock market ay yung billing statement na nakapangalan sayo? Wala kasi ako nun, pano kaya gagawin ko?

    Like

    • May natulungan po ako na friend na ganyan rin po ang issue.

      Ang meron siya is billing statement ng credit card ng kanyang father, na siya naman ang supplementary card holder

      Pina-attach ko po ng billing statement ng

      1) credit card ng kanyang father with her credit card number indicated in the statement
      2) birth certificate para proof na yung name indicated in the billing statement is her Dad
      3) short letter explaining these documents

      The address indicated in the billing statement should be the same address na ilalagay niyo po sa COL application form

      Basically what I did was if there is a billing statement but not named dun sa Applicant, at least ma establish na related siya dun sa tao na nakapangalan sa billing statement

      Because the purpose of having a billing statement is proof that you, the applicant, exists 🙂

      I hope this helps.

      Like

      • OK lang po ang e-statement.

        Basta po makita yung evidence na kayo po ang nagbabayad nung bill na iyon, or related sa inyo ang nagbabayad ng bill na iyon.

        Ang purpose po ng billing statement is mapatunayan na you are a real person 🙂

        Like

  2. Dear Petiks Pinay,

    Nabasa ko ang blog mo na “Dear Petiks: I want to have 6M sa 2036. Pano yun?” Ano ang magandang mutual fund na ganito ang sistema… hulog lang ng hulog.

    Salamat.

    Like

    • Hello Ms Daisy,

      Sa ngayon po wala akong alam na mutual fund na auto-debit. Ang alam ko po na may ganyang setup is VUL (or Variable Universal Linked) na ang ibig pong sabihin ay Mutual Funds na ikinabit sa Insurance. Sa insurance po kasi, talagang enforced ang pagtatabi para hindi mag lapse ang policy.

      Eto po ay isang video para i-explain ng mabilis ano po ang VUL:

      Pesos and Sense Explains: Variable Unit Linked (VULs)

      Kumbaga, enforced ang disiplina

      Compared sa iba na investments, hindi enforced ang disiplina–kayo po ang magpupursige sa inyong sarili na magtabi–regularly pa! 🙂

      Mas malaki ang kikitain ng pera kung hiwalay sa VUL, pero VUL lang ang may insurance at matututo po kayong maging disiplinado sa pagtatabi

      In the end kung may naitabi, meron po tayong madudukot

      ~~~~

      Meron po pala akong side note:

      Kung mag open po kayo ng Mutual Fund, kailangan po ay hindi online.

      Haharap po kayo sa isang licensed Mutual Fund distributor (or CIS–Certified Investments Solicitor) ng isang Mutual Fund Company (example, Sun Life Prosperity Funds), at paguusapan po muna nila ang mga ito:

      1) Ano po ang iyong long-term goal?
      2) Magkano po ang goal na iyan?
      3) Ilang taon pa po bago niyo siya gustong matupad?
      4) Ano po ang tolerance ninyo sa risk? Conservative, Moderate, or Aggressive po ba kayo na Investor?
      5) Anu-ano po ang mga means ninyo para mapondohan ang inyong long-term goal?

      Kumbaga, meron po dapat financial planning.

      Kaya po kailangan na face to face.

      Pangalawa, pipirma po kayo in person at marami pong documents. Sa umpisa po talaga madaming papeles na pipirmahan, pero kapag naayos na po yun lahat ay online na lahat ang transaction

      Shempre po marami pang mga katanungan na lilitaw lang kapag harapan na po kayong nakikipagusap at mas madali po kung pinaguusapan nang harapan ang mga ganitong importanteng mga bagay dahil investment po ninyo ito

      Maigi rin po na makausap ng harapan yun pong nag aalok sa inyo nito para mapakiramdaman ninyo kung nagsasabi ba ito ng totoo? Nasagot ba ang mga tanong ko? Naibigay ba ang aking mga hinihingi? Etc.

      Kung halimbawa ay may dumating po sa inyo sa ibang bansa na nag-aalok ng Mutual Funds na ino-offer lang po sa Pilipinas, huwag po kayong pipirma. Hindi siya ganun ka strict, pero ang alam ko, bawal po mag-alok na nasa labas ng Pilipinas. Lalong lalo na kung Insurance po yan na ang lisensya ay sa Pilipinas lang. VOID po ang pipirmahan ninyong insurance product kung pinirmahan po ninyo sa labas ng Pilipinas.

      Like

Did you find this article or tutorial helpful? Let us know below :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s