My Stock Market Investing Story – Investing Is For Everybody!

I love the Truly Rich Club.

Join the Truly Rich Club.

Bakit naman hindi?

Itong club na ito ang tumulong sakin para matutong mag-invest noong nagsisimula pa lang ako at zero knowledge sa stock market.

Naghahanap kasi ako noon eh kung sino ang pwedeng magturo sakin.

Ito ang binigay ni Lord 🙂

The year was 2009.

Busy ako sa paghahanap ng sideline aside from my day (or nightshift) job.

One time, may na-contact akong grupo na nag-ho-host ng Cashflow 101 Game.

jun 25 - cashflow

Ang Cashflow 101 Game ay brainchild ni Robert Kiyosaki.

Basically ang ginawa sakin ng game na ito ay ipinakita niya sakin ano ang trato or behavior ko sa pera.

Andami ko ng beses nilaro ito. Mga 10.

After playing the game for quite some time, I realized na one way of building cash is to buy shares of stocks.

Merong lalabas na opportunity kunyari na MYT4U stock with Trading Price Range na $1 – $40. Tapos pwede mo mabili ng $1 lang!

jun 25 - myt4u

Naku bibili ako ng limpak limpak ng shares ng MYT4U! Makikipag-sosyo pa ako sa mga kalaro ko sa table.

“Pahiramin mo ako ng cash mo d’yan para pag kumita ka sa stock na ito, bigyan mo lang ako ng 5%”

Nang dumating ang market timing na ang MYT4U stock ay nagte-trade na sa halagang $40, bentahan na kami.

Ang dami kong pera after makapag-sell! Dun na ako mag-start makabili ng real estate properties.

Yep! Yan ang boardgame na yan. Ang Cashflow 101.

So napatanong ako,

“May ganyan kaya dito sa Pinas? Yung tipong makakabili ako ng shares of stocks?”

One time may isang player na nag-kwento about Citisec Online.

jun 25 - citisec

So nag-stick yung name na yun sa utak ko.

Siguro kadadaldal ko sa opisina, nasagap ng isa kong officemate ang interes ko to know about the stock market at kung meron nga bang way para pumasok dun.

Naikwento niya na yung sister niya ay may friend na subscriber ng Truly Rich Club.

Yung kapatid niya ay may nare-receive na mga newsletters daw about investing in the stock market.

Ha???

jun 25 - excited

Shempre na-excite naman ako.

Nakilala ko ang kapatid ng officemate ko at nagbigayan kami ng email addresses.

Kada update sa email, fino-forward niya sa akin ang mga newsletters ng TRC.

Basa-basa naman ako pag may time.

Ang bait lang.

Kasi may bayad yun e. May bayad ang subscription ng Truly Rich Club.

Kaya sobrang na-appreciate ko ang friend kong yun.

Matagal rin ako nagbasa. Mga isang taon.

Jun 25 - grin

Ako ay natural na skeptic.

Naghahanap ako lagi ng proof.

Habang binabasa ko ang mga newsletters ni Bro Bo sabi ko sa sarili ko,

“Grabe naman ‘to. Parang di totoo. Manloloko kaya ‘to?”

jun 25 - skeptic

Lalo na nung nabasa ko ang E-book niya na My Maid Invests in the Stock Market.

Nanlaki na talaga mata ko nun.

Weh?

Seryoso ka?

Nag-i-invest sa stock market ang maid mo?

Magkano kaya yung initial capital niya?

Ibig sabihin ba ganun siya ka-simple?

Di mo naman siguro itataya ang pangalan mo at reputasyon mo kung hindi ito totoo, di ba?

Kaya nagkaroon ako ng mission.

I-po-prove ko na hindi siya totoo!

jun 25 - mission

So I thought of a plan. Pinaghandaan ko na muna.

Natuto muna ako magtipid. Binuno ko na muna shempre ang initial capital for investment.

Yung kwento naman kung pano ko binuno yung pang-invest ko ay dito mo mababasa.

Inabot ako ng isang taon.

Busy eh, atsaka skeptic nga eh.

Nung handa na ang bulsa ko, utak ko at loob ko, nag-open na ako ng account sa COL Financial (ito ang dating Citisec Online).

jun 25 - col

Shempre hindi ka naman makaka-invest sa stock market nang hindi dumadaan sa isang broker.

November 10, 2010. Umabsent ako ng araw na yun. Pumunta ako mismo sa office ng COL para makita na legit siya. Atsaka Initial Public Offering kasi noon ng Nickel Asia (ticker: NIKL). So sabay ko in-open ang COL account ko at pagbili ng IPO shares ng NIKL.

Saan ko naman nalaman ang tungkol sa IPO and Nickel Asia?

E di sa Truly Rich Club!

At para ma-prove ko na kalokohan ang TRC, nagpa-member ako.

jun 25 - huh

Oo kasi pano ko malalaman kung di ko susubukan?

Kasama yun sa risk.

Yamang wala akong kaalam-alam sa stock market dapat konti lang ang risk na kukunin ko.

So I decided na ang risk na kukunin ko ay 10% lang ng aking sweldo. Meaning, I will only invest 10% of my salary and nothing more.

And since may subscription fee ang TRC, nag-allot na rin ako ng money for that. Kinuha ko sa EDUC Jar.

(To know what the EDUC Jar is about, click here)

So at 10% of my salary and P497 a month, I am set to achieve my goal: to prove that TRC is kalokohan!

Jun 25 - grin

Every month, I set aside a portion of my income and invest it in the stock market.

jun 25 - deposits

Excited pa ako nung una kaya in a matter of days ang pagitan ng mga deposits ko, hehe

Hanggat kaya, I deposit to my COL account and buy shares every month. Kahit na less than P500.

I read the Stock Updates, Stock Alerts, and the SAM Table na pinapadala sa email.

jun 25 - stock update

Yan lang mga yan ang naco-consume ko na info sa TRC so far.

Pero marami pang mga binibigay si Bro Bo na mga MP3s, videos and articles–all about investing.

Kapag sinabi niyang BUY, I buy.

jun 25 - BUY

Kapag sinabi niyang SELL, I sell.

JUn 25 - SELL NIKL

 

Hindi ko na maalala. Pero nung nakita ko na nag-50k ang portfolio ko, napaisip ako…

jun 25 - ipon

So tinuluy-tuloy ko lang ang pag deposit sa COL account ko at pagsunod sa advice ng TRC kung ano ang gagawin: bibili ba, magbebenta ba, or chill lang.

Month in, month out.

 

jun 25 - grow

 

Lumipas ang ilang taon, wala akong na-file na complaint sa TRC. Hehehe

 

jun 25 - wealth summit

Noong unang Wealth Summit held last 2013, tumayo sa harapan ng stage ang maid ni Bro Bo.

Napaiyak ako nun.

Sabi kasi ni Bro Bo na ang portfolio ng maid niya was around 600k.

Napaiyak ako kasi naniniwala ako. Dahil ang portfolio ko naman nun ay nasa 300k na.

Shempre nauna naman yun sakin kaya tama lang na mas malaki na ang investment niya.

jun 25 - napaiyak

Nung nag 250k na ang portfolio ko hindi ko na ma-contain ang sarili ko.

Naging madaldal na ako sa Facebook.

My status posts were about how my money grew in the stock market.

I met friends and shared to them my story. Ang goal ko lang nun was mag-open sila ng COL account and mag start.

Kasi sabi ko shocks!

Kung empleyado ka, may sweldo buwan-buwan, kaya mo gawin to!

Just set aside a portion of your income and invest it. Set aside money as well to educate yourself.

Madami na rin akong in-attendan na seminars on stock market investing.

Pero ang kinaiba ni TRC is it answers the question that most beginners ask: Anu-anong mga companies ang bibilhin ko sa stock market, at bakit?

From a skeptic I became a believer.

Just because I took the risk.

Man jumping off cliff into the ocean. Summer fun lifestyle.
http://www.isshogenki.com

Take calculated risks today, my friend.

I kept telling my story and in 2014 I met Sha Nacino.

She is a best-selling author and she also writes for the Truly Rich Club.

I think natuwa siya sa kwento ko kasi fi-neature niya ako sa isa sa mga issues ng Wealth Strategies.

jun 25 - ws

Praise God!

You can see that issue of Wealth Strategies HERE.

I hope my story will inspire you to start investing na.

Now na!

Disclaimer: the photos I used here, I got from Google Images.

P.S. 1. Know more about the Truly Rich Club and get your 11 Truly Rich Club Blessings! Click here. You can also download “My Maid Invests in the Stock Market” for free.

P.S. 2. We have a once-a-month orientation called Truly Rich Club Quickstart for those who want to have an introduction to stock market investing. It happens every 1st Sunday of the month. To know more, GO here.

P.S. 3. jul 27 money back   If during the first month of your membership, you didn’t find the material Bro. Bo sent you a powerfully inspiring Wow experience, then simply tell them—and they’ll return your money. No questions asked. And you can keep all the great stuff sent to you (worth $251.50 value) as FREE gift to you for just trying.  Email trcmembership@boclubs.com with the following details:
FULL NAME:
EMAIL:
REQUEST:
REASON:

 

Aral Pa More? Here are other related articles:

Do you have questions?

To be updated of the latest blog posts, please like us on Facebook and put a check on “Get Notifications”.  Click on the picture below.

Check to be notified

 

7 thoughts on “My Stock Market Investing Story – Investing Is For Everybody!

  1. Salamat sa sharing of your story, this is where we can able to help our kababayans specially OFW. be inspired by others and i’ll spread this good news to all… God Bless and Happy investing!!!!

    Like

  2. Hi, sobrang nakakainspire and nakakatuwa basahin itong article mo. 🙂

    Opened my Col account this August. Nagbasa basa din ako pero nakakaoverwhelm sobrang dami ng info. Nalaman ko lang yung mga investing stuff sa tita ko and nakwento nya din yung TRC. Nagsubscribe ako through her (yung affiliates ba yun).

    Kapag nagkukwento ako sa officemates ko and relatives, parang hindi sila interested. Naisip ko tuloy akala siguro nila iniiscam ko sila. Nakakalungkot lang. 😦

    Sana mareach ko din yung success mo sa investing. Hehe More power to you!!!

    Like

    • ‘Wag po kayo ma-discourage sa pag-share. Napansin ko lang po na para magkaroon ng “megaphone” sa pag-share, samahan mo ng iyong results. Kaya kung nagsisimula ka pa lang, medyo quiet muna tayo. Ipon muna tayo ng data.

      Taon din ang binilang (mga halos 2 yrs) bago ko nasabi na yes totoo nga na lalago ang pera sa stock market. Noon din ako nagka confidence kasi nakita ko mismo. Iba talaga ang testimony ng isang witness–na may data!

      Para matulungan ka sa iyong pag track, ito po share ko na rin ang template na pwede niyo gamitin. Para you don’t start from scratch: https://petikspinayinvestor.com/2015/08/18/excel-tracking-template/

      Mari-reach niyo po ang 300k status, baka higit pa. Paano? Kung mas matagal kayo mag-iinvest sakin. Pano? Yung mga bata ngayon like 23 y.o. pa lang at nag start na mag-invest. Di malayong pag 30 y.o. na sila at nag-i-invest pa rin, ay milyonaryo na at that time. Posible. Naco-compute yan 🙂

      Kaya tuluy-tuloy lang, invest pa more. Aral pa more. Mabuhay!

      Liked by 1 person

Did you find this article or tutorial helpful? Let us know below :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s