Bakit Kailangan Ko Mag-Invest?

Bago ka mag-invest, alamin muna natin bakit kailangan mag-invest.

Nag-google ako ng “best bank deposit rates 2015 philippines” at ito ang lumabas:

Phil banks may 2015
Source: http://philippines.deposits.org/

 

bank dep rates May 2015
Last updated May 2015

1.50% ang pinakamataas na interest rate na pwedeng ibigay ng bangko sa ngayon based sa figures sa itaas.

That is, if you have P10,000 in the bank then kikita ka ng tumataginting na P150 at 1.50%!

Happy ka ba d’yan? 🙂

Noong 2014, umattend ako ng Basic Investing Seminar ng Pesos and Sense.

Kahit na ginagawa ko na ang Money Jars for 5 years at 3.5 years na akong nag-iinvest sa stock market at that time, gusto ko pa rin umattend ng seminar nila kasi baka naman may matututunan pa ako.

Aba meron nga!

Isa dun ay ang Inflation Rate.

Ano nga ba ang Inflation Rate?

Tinanong ko ang Nanay ko,

“Ma, noong araw ano ang mabibili mo sa benchingko (or 25 centavos)?”

Ang sagot niya,

“Isang pop rice, isang coke, at dalawang maliit na kendi.”

Eh ngayon, saan aabot ang benchingko mo?

Kahit siguro makita mo yan sa kalye, di mo pupulutin kapag nagmamadali ka.
Baka mabundol ka pa ng mga sasakyan sa EDSA.

Dati sa 10 centavos, nakakabili pa ako ng limang pulang bilog na bubblegum.

bubblegum

Ngayon may mabibili pa ba ang diyes? O butal na lang yan sa presyo ng mga bilihin?

Ano’ng nangyari?

Inflation.

Inflation ang silent killer ng value ng iyong savings.

Inflation ang pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga basic goods at services.

Halimbawa, meron ka ngang P10,000 sa bangko.

Kung ang inflation rate ngayon ay 5% ibig sabihin ang true value ng P10,000 mo ay P9,500 na lang (5% of P10,000 is P500).

Ang kaya lang bilhin ng P10,000 mo ay worth P9,500.
Yan din ang buying power ng pera mo.

So kung P10,000 ang pera mo at kumita ka ng P150 at 1.50% interest rate sa bank,
sa totoo lang ito ang maiiwan sa pera mo:

P10,000 + 1.50% interest = P10,150
P10,150 – 5% inflation rate = P9,642.50

Di ka pa kinaltasan ng tax on interest niyan.

Ha??? Pano na??

Walang problema kung maglalagay tayo ng pera sa savings account.
May tamang purpose rin yan.

Pero kung ang goal mo sa pera mo ay palaguin ito para sa future
(retirement, college education fund, business capital, travel fund, wedding fund, etc.),
hindi ka matutulungan mashado ng bangko.

You need to invest your money.

And never accept a return that is below or equal to the Inflation Rate.

Kung ang inflation rate ngayon ay 5% e di dapat ang kinikita ng pera mo ay at 8% man lang para ang neto ng kinita mo minus inflation ay 3%

Kung 5% lang ang return mo at 5% ang inflation rate e di nag-break even ka lang sa kinita ng pera mo.
Hindi ka talaga kumita nun.

So if you want to make your money grow, tandaan:

1) Know how much is the inflation rate now
2) Never accept a return that is below or equal to the inflation rate

Aral Pa More? Here are other great articles:

 
To be updated of the latest blog posts, please like us on Facebook and put a check on “Get Notifications”. Click on the picture below.

Check to be notified
 

Did you find this article or tutorial helpful? Let us know below :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s